dzme1530.ph

13 KATAO NA NATRAP SA LANDSLIDE SA BAGUIO CITY, ALL ACCOUNTED NA

Loading

All accounted na ang labintatlong indibidwal na na-trap sa landslide sa Barangay Guisad Surong sa Baguio City, kaya’t tinapos na rin ang retrieval operations ng mga awtoridad.
 
Sa naturang bilang, sampu ang kabuuang nasawi habang tatlo ang survivors na sumasailalim ngayon sa medical observation.
 
Kasabay nito, kinumpirma ng Baguio City Public Information Office na nagbigay na rin sila ng tulong sa dalawampung pamilyang naapektuhan ng landslide noong Linggo ng gabi.
 
Dalawang evacuation center sa Guisad Barangay Hall at Baguio International Academy ang pansamantalang tinutuluyan ng mga pamilyang nawalan ng tahanan.

About The Author