dzme1530.ph

DEATH TOLL SA HABAGAT AT MGA BAGYO, UMAKYAT NA SA 19

Loading

Umakyat na sa 19 katao ang death toll dulot ng pananalasa ng mga bagyong Luis at Maymay at ng Habagat habang 15 iba pa ang nasugatan.
 
Batay ito sa ulat ng Office of Civil Defense na nagsabing ang mga nasawi ay mula sa Benguet, Rizal at Batangas.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni OCD Information Officer Diego Mariano, mahigit 646,000 na pamilya ang apektado ng kalamidad.
 
Nangako si Mariano na tuloy-tuloy ang kanilang operasyon upang tulungan ang lahat ng mga kababayang nangangailangan alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

About The Author