dzme1530.ph

ALEX EALA, PLANONG MAGPAHINGA SANDALI KASUNOD NG PAGLABAS SA CANADIAN OPEN

Loading

Magpapahinga muna ng ilang araw si Filipina tennis star Alex Eala pagkatapos ng kanyang sunod-sunod na laro na nagbigay sa kanya ng kauna-unahang WTA Tour championship sa Washington DC at hanggang sa round-of-16 sa Toronto.
 
Nagpaalam si Eala sa Canadian Open matapos kapusin kay Belinda Bencic ng Switzerland kahapon, sa score na 6-4, 6-0.
 
Tinapos ni Bencic ang pitong sunod-sunod na panalo ng Pinay tennis sensation na ranked No. 20 sa WTA.
 
Sa kabila ng resulta, masaya pa rin si Eala sa kanyang kampanya sa Toronto at itinuring itong “very good week.”

About The Author