dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION PANEL, POSIBLENG HUMIRIT NG SHOW-CAUSE ORDER SA SENATE IMPEACHMENT COURT

Loading

Posibleng humingi ang House prosecution panel sa Senate Impeachment Court ng show-cause order sakaling balewalain nina Gina Acosta at Edward Fajarda ang subpoena.
 
‘Yan ang sinabi ni Counsel for the House prosecution at Spox Benjamin Tolosa Jr., matapos nitong aminin na hindi pa sila nakakatanggap ng kumpirmasyon mula sa dalawang testigo.
 
Sina Acosta at Fajarda, pawang special disbursing officer o SDO sa OVP at DepEd, ay ipina-subpoena ng prosecution bilang ‘adverse witness’ sa impeachment trial versus VP Sara Duterte.
 
Matatandaan na sa pagtestigo ng dalawang Land Bank branch managers, kinumpirma na si Acosta bilang SDO ang nag-encashed ng apat na OVP checks na tig-125-M pesos o kabuuang P500-M.
 
Si Fajarda naman ang SDO ng DepEd ang nag-encashed ng tatlong tseke na tig-P37.5-M o kabuuang P112.5-M.
 
Ngayong linggo, inaasahang sasalang sa witness stand sina Acosta at Fajarda, subalit wala pang kumpirmasyon kung sisipot ang mga ito.
 
Ang show-cause order ay pagpapaliwanag kung bakit hindi sila tumalima sa subpoena.

About The Author