dzme1530.ph

BINABAHANG POLLING SITES, INAALALA NG COMELEC BAGO ANG NALALAPIT NA BARMM ELECTIONS

Loading

Mahigpit na mino-monitor ng COMELEC ang mga eskwelahan na madaling bahain na magsisilbing polling sites para sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa gitna ng pangamba na maapektuhan ng malakas na pag-ulan ang botohan.
 
Sa press conference sa Data Center 1 ng poll body sa Makati City, sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na ina-assess nila ang mga paaralan na gagamiting voting centers, partikular sa Maguindanao del Sur at Lanao del Sur.
 
Idinagdag ni Garcia na pinag-aaralan nila kung saan nila ililipat ang voting centers para makaboto pa rin ang mga residente kahit malakas ang ulan sa araw ng halalan.
 
Itinakda ang unang BARMM parliamentary elections sa Sept. 14.
 
Tiniyak din ng poll chief sa publiko na sa kabila ng masungit na panahon ay maaari pa ring ma-transmit ang mga boto sa tatlong data centers ng COMELEC at makikita ito sa kanilang servers.

About The Author