dzme1530.ph

RAIN SHELTERS, DAPAT MAISAMA SA LONG-TERM INFRASTRUCTURE PLANS NG GOBYERNO

Loading

INIREKOMENDA ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa gobyerno na maisama sa long-term infrastructure plans ang pagkakaroon ng rain shelters para sa mga commuters at motorcycle riders.
 
Sinabi ni Cayetano na nagiging problema ng mga commuter at riders ang mga biglaang pag-ulan kaya’t ang ilan ay napipilitang sumilong sa ilalim ng mga tulay at iba pang istruktura.
 
Iginiit ng senador na dapat nakabatay ang pagpaplano ng mga kalsada at sistema ng transportasyon sa aktwal na pangangailangan ng mga gumagamit nito.
 
Samantala, nag-ikot ang Emergency Response Team ni Cayetano sa mga ilang lugar na binaha bunsod ng ilang araw nang pag-ulan.
 
Partikular na pinuntahan ng grupo ang ilang mga lugar sa Parañaque, Cavite at Las Piñas na nakaranas ng pagbaha.
 
Naghatid ang team ng senador ng pagkain at inumin sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.
 
Patuloy din ang emergency relief operations ng mga tauhan ng senador sa Taytay, Tanay at Rodriguez sa Rizal gayundin sa Bacoor City, General Trias at Naic sa Cavite.

About The Author