![]()
Pinutol ni Belinda Bencic ng Switzerland ang impresibong seven-match winning streak ni Filipina tennis sensation Alex Eala, sa 6-4, 6-0, sa Canadian Open round of 16, sa Toronto, kaninang umaga (oras sa Pilipinas).
Binuksan ng 21-year-old Filipina ang match sa pamamagitan ng pag-sweep sa World No. 14 Swiss sa opening game, subalit hindi ito nakakuha ng magandang momentum hanggang sa tuluyang mabigo at malaglag sa kompetisyon.
Hindi pinayagan ng 29-year-old na si Bencic, na dating namayagpag sa 2015 Canadian Open, na magkaroon si Eala ng fourth quarterfinal appearance sa kanyang huling pitong tournaments, nang selyuhan nito ang puwesto sa huling walong manlalaro laban kay Coco Gauff ng Estados Unidos.
