![]()
Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang suspensyon sa pag-aangkat ng mga buhay na hayop at partikular na animal products mula sa pitong bansa sa Middle East at Europe kasunod ng outbreaks ng foot-and-mouth disease (FMD).
Sa ilalim ng Department Circular No. 39, ipinagbabawal ng Pilipinas ang pagpasok ng live swine, cattle, water buffaloes, at iba pang FMD-susceptible animals.
Gayundin ang fresh skeletal muscle meat, casings, tallow, hooves, horns, and animal semen mula sa Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Iraq, Israel, Kuwait, at Palestine.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mahalagang kumilos agad ang pamahalaan laban sa mga banta upang maprotektahan ang food security, maging ang kabuhayan ng mga magsasaka at mapanatili ang tiwala ng publiko sa ating food supply.
