dzme1530.ph

PRETRIAL SA KASO NI SENADOR RODANTE MARCOLETA, IPINAGPALIBAN

Loading

Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 3rd Division sa August 14 ang pretrial hearing sa kaso ni Senador Rodante Marcoleta na nakatakda sana ngayong araw na ito.
 
Ayon kay Dennis Pulma, Clerk of Court ng naturang dibisyon, kinansela ang pretrial bunsod ng patuloy na pag-ulan dahil sa habagat.
 
Ito ay may kaugnayan sa kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46 ni Marcoleta dahil sa pagtanggap ng 75 million pesos na campaign donation.
 
Kasama rin sa kaso sina dating Cong. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
 
Matatandaang naghain ng not guilty plea sa kaso sina Defensor, Espiritu at Viray, habang si Marcoleta ay tumangging magpasok ng kahit anong plea kaya’t ang korte ang nagpasok ng kanyang not guilty plea.

About The Author