![]()
Aminado ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City na challenging sa kanila ang patuloy na problema sa pagbaha tuwing patuloy ang buhos ng ulan at pagtaas ng tubig dagat.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Parañaque City Public Information Office Chief Erel Cabatbat, sa ngayon ay declogging at siphoning ang immediate solutions na kanilang ipinatutupad habang nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Public Works and Highways para sa long-term solutions.
Sa ngayon, sinabi ni Cabatbat limang barangay ang patuloy na binabantayan dahil sa patuloy na pagbaha.
