![]()
Umabot na sa 15 ang nasawi sa patuloy na pag-ulan sa bansa bunsod ng pananalasa ng habagat at maging ng mga Bagyong Luis at Maymay.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Allen Rae Co, kasama sa mga namatay ang dalawa mula sa Ilocos Region; pito sa CALABARZON; at anim sa Cordillera Administrative Region.
Iniulat din ng PNP na aabot sa 13 ang nasugatan na kinabibilangan ng 11 sa CAR at dalawa sa CALABARZON.
Patuloy namang hinahanap ang limang indibidwal sa CAR at isa pa sa CALABARZON.
Sinabi ni Co na hindi pa kasama sa tally si Police Master Sgt. Fernando Marfa Jr. na nasawi nang tangayin ng agos habang sinusubukang iligtas ang daawang rescue volunteers sa Cadiz City, Negros Occidental noong Biyernes.
