![]()
Asahan ng mga motorista ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo, bukas.
Sa pagtataya ng Department of Energy, posibleng mabawasan ng 4.70 pesos ang presyo ng bawat litro ng gasolina.
Maaari namang mabawasan ng 4.30 pesos ang presyo ng bawat litro ng diesel at 4.88 sa kada litro ng kerosene.
Ito ang ikalawang sunod na linggo ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng paghupa ng tensyon sa Middle East.
