![]()
Naghain si Sen. Bam Aquino ng resolusyon para kilalanin ang P-pop sensation na SB19 sa kanilang makasaysayang performance sa Lollapalooza Music Festival.
Gumawa ng kasaysayan ang SB19 bilang kauna-unahang Filipino group na nagtanghal sa isa sa premier annual music festivals sa buong mundo.
Sa Senate Resolution No. 545, pinuri ni Aquino ang P-pop group kasunod ng kanilang July 30 performance sa Lollapalooza, sa Grant Park sa Chicago, Illinois sa US.
Tampok sa internationally renowned music festival ang globally acclaimed artists at humikayat sa mahigit 400,000 attendees sa apat na araw na show, kaya isa ito sa most prestigious platforms sa global music industry.
Sumikat ang P-pop Kings na binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin, sa pamamagitan ng chart-topping hits, gaya ng “Gento,” “Go Up,” “Bazinga,” “Dungka,” at “Visa.”
