dzme1530.ph

DOE AT ERC, NAKIPAGPULONG SA MERALCO KAUGNAY SA PANUKALANG PAG-ALIS SA SYSTEM LOSS CHARGES

Loading

Nakipagpulong ang mga energy officials sa nangungunang power distributor kaugnay sa reporma na naglalayong alisin ang system loss charges mula sa electricity bills, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Nakipagpulong ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco upang rebyuhin ang pricing structures at maglatag ng policy, regulatory, at legislative changes kasunod ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.
 
Binigyang-diin ni Energy Secretary Sharon Garin na malinaw sa direktiba ng Pangulo na ang dapat lamang bayaran ng mga consumer ay ang kuryenteng kanilang ginamit at hindi ang pagkalugi na wala naman silang kinalaman.
 
Sinabi ng DOE na tiniyak ng Meralco ang kanilang commitment sa ginanap na pulong upang talakayin ang operational adjustments na magpapababa sa singil sa kuryente sa mga darating na buwan.
 
Nakikipag-ugnayan din ang mga regulator sa National Electrification Administration (NEA) upang i-assess ang magiging epekto nito sa mga electric cooperative sa buong bansa.

About The Author