![]()
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kauna-unahang interactive Energy Museum sa Pilipinas.
Muling itinulak ng Pangulo ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), sa pagsasabing kinakailangan ng karagdagang reporma upang maprotektahan ang mga consumer at mapalakas ang energy security sa bansa.
Pinangunahan ni Marcos ang inagurasyon ng Energy Museum bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng EPIRA sa Department of Energy (DOE) Center sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na layunin ng museo na tulungan ang mga Pilipino na higit na maunawaan ang mahalagang papel ng enerhiya sa pang-araw-araw na buhay habang isinusulong ang responsableng paggamit ng kuryente.
Idinagdag ni Marcos na ang proyekto ay alinsunod sa kanyang direktiba sa DOE na paigtingin ang public awareness initiatives at gawing mas accessible ang energy education para sa mga estudyante, educators, at communities.
