dzme1530.ph

PANANAKIT NG DALAWANG ESTUDYANTE SA ISANG GURO SA DAVAO DE ORO, INIIMBESTIGAHAN NA NG DEPED

Loading

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang insidente sa Elizalde National High School sa Maco, Davao de Oro, kung saan isang guro ang umano’y sinaktan ng dalawang Grade 10 students.
 
Pumukaw ng atensyon ang insidente na nangyari noong Lunes matapos kumalat sa social media ang video kung saan inatake ng dalawang estudyante ang isang lalaking guro sa loob mismo ng paaralan.
 
Ayon sa Maco Police, nagsimula ang gulo nang sitahin ng guro ang isa sa mga lalaking estudyante dahil may suot itong hikaw na ipinagbabawal sa eskwelahan.
 
Tinangka umano ng mag-aaral na suntukin ang guro, subalit napigilan ito ng mga kaklase.
 
Gayunman, isa pang estudyante, na kalaunan ay nakilalang kapatid ng naunang mag-aaral, ang umatake mula sa likuran ng guro.
 
Nagpaabot naman ng suporta ang DepEd para sa guro na nagtamo ng injuries bunsod ng insidente.

About The Author