dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS JR. AT US SECRETARY OF STATE MARCO RUBIO, TINALAKAY ANG PAX SILICA PROJECT

Loading

Tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Marco Rubio ang Pax Silica Initiative sa pagbisita ng opisyal ng Estados Unidos sa bansa para sa serye ng ministerial meetings.
 
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, ang Pax Silica Initiative at Luzon Economic Corridor ang dalawa sa mga pangunahing puntong inilahad ng Pangulo.
 
Una nang inihayag ng Department of Finance (DOF) na isinama ng Estados Unidos sa mga pangunahing economic priorities nito ang mga proyektong may kaugnayan sa Pax Silica.
 
Ang Pax Silica Initiative ay flagship program ng US Department of State para sa artificial intelligence at supply chain security, na naglalayong isulong ang bagong economic security framework sa mga kaalyado at trusted partners.
 
Opisyal na sumali ang Pilipinas sa Pax Silica Initiative noong Abril, kasama ang 22 iba pang signatories, kabilang ang European Union, Japan, Singapore, South Korea, at United Kingdom.

About The Author