![]()
Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang motion to suspend proceedings at defer the issuance of warrants of arrest laban kay Senador Rodante Marcoleta at tatlong iba pa.
Ayon kay Associate Justice Karl Miranda, natukoy na nila na may probable cause sa plunder case kaya’t ibinasura ang mga mosyon.
Gayunman, binigyan ng korte ng tatlong araw ang prosekusyon para makapagkomento sa motion to quash the information na inihain ng senador.
Sinabi ng senador na iginagalang niya ang proseso ng batas at umaasa siyang diringgin ang kanyang mga mosyon at magiging patas sa pagsusuri sa kanyang kaso.
