dzme1530.ph

SOUTH KOREAN HEARTTHROB CHA EUN-WOO, ISA NANG KATOLIKO

Loading

Umanib na ang actor at K-pop star na si Cha Eun-woo sa Simbahang Katoliko matapos magpabinyag.
 
Sa report ng The Korea Herald, kinumpirma ng agency ni Cha Eun-woo na Fantagio na bininyagan ito sa isang Catholic Church noong June habang nasa military service.
 
Bininyagan ang actor-singer sa pangalang John the Apostle.
 
Ang enlisted military personnel sa South Korea ay may option na lumahok sa religious activities na inorganisa sa loob ng kani-kanilang units.
 
Si Cha, na pumasok sa mandatory military service noong July 28 ng nakaraang taon, ay bahagi ng Army Military Band.
 
March 2024 nang bumisita sa Pilipinas ang “True Beauty” star para sa Manila leg ng kanyang “Just 10 Minute (Mystery Elevator)” fan meeting tour.

About The Author