dzme1530.ph

VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, MAAARING HINDI DUMALO SA IMPEACHMENT TRIAL SA LUNES

Loading

PINAPAYAGAN sa Rules ng Impeachment Court na hindi personal na dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagsisimula ng impeachment trial sa Lunes, July 6.
 
Ito ang inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian, bagama’t pinadalhan nila ng notice ang Bise Presidente na humarap sa pagsisimula ng paglilitis.
 
Ito ay dahil magsasagawa rin sila ng arraignment-like procedure kung saan pahaharapin ang Bise Presidente para basahin ang mga kaso laban sa kanya.
 
Gayunman, nilinaw ni Gatchalian na nakasaad sa kanilang rules na pinapayagan ang kinatawan o abogado ni VP Sara na dumalo sa ganitong proseso.
 
Samantala, sinabi ni Gatchalian na tuloy-tuloy ang kanyang paghahanda bilang presiding officer at bilang senator-judge, kung saan patuloy niyang pinag-aaralan ang mga rules, gayundin ang mismong merito ng kaso.
 
Bukod dito, patuloy din ang pagtitiyak niyang handa ang pasilidad sa Senado para sa impeachment, kasama na ang paglalatag ng akmang seguridad para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

About The Author