![]()
Inaasahan ng House prosecution panel na sa simula pa lamang ng impeachment trial ay susubukan na ng defense team na ipabasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Atty. Benjamin Tolosa Jr., legal spokesperson ng prosecution panel, na naging consistent ang depensa sa pagkuwestiyon sa mga naging proseso ng impeachment, kaya inaasahan nilang gagawin din ito sa unang araw ng paglilitis sa Lunes, July 6.
Samantala, sinabi ni Tolosa na bagama’t kuntento sila sa nilalaman ng pre-trial order ng impeachment court, mayroon pa rin silang ilang isyung nais linawin.
Kabilang dito ang usapin sa pagbubukas ng BIR box, na inaasahan nilang tatalakayin sa unang araw ng pagdinig.
