![]()
Nagbabala ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP na posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa kabuuan ang inaprubahang 85 pesos na wage increase sa mga minimum wage earners sa Metro Manila.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni ECOP Governor Butch Guerrero, ikinagulat nila ang biglaang wage increase na kanilang tinutulan.
Ipinaliwanag ni Guerrero na sa inaprubahang wage increase kailangan nilang pag-aralan kung paano nila reresolbahin ang wage distortion kung saan may domino effect ito sa mga hindi minimum wage earners ang dagdag sahod.
Sa kabila naman aniya ng pagtutol nila sa wage increase ay susunod ang kanilang mga miyembro sa ipinag-utos na dagdag sahod.
