![]()
Kumbinsido si Executive Secretary Ralph Recto na karagdagang pamumuhunan, trabaho at oportunidad ang pag-angat sa upper middle income status ng Pilipinas.
Sinabi ni Recto na hindi lang ito titulo dahil nangangahulugan ito na mas lumalago ang ekonomiya at mas dumarami ang trabahong nalilikha kaya’t mas lumalaki ang kita at mas maraming investors ang nagtitiwala sa Pilipinas.
Base sa obserbasyon ng World Bank, ang pag-angat ng Pilipinas sa income status ay nag-ugat sa paglago ng ekonomiya bunga ng pag-unlad ng maraming industriya.
Ngunit idiniin ni Recto na hindi ito ang huling tagumpay para sa bansa.
Ang tunay aniyang sukatan ng tagumpay ay kung nararamdaman ito ng bawat pamilyang Pilipino.
Nakatuon aniya ngayon ang atensyon ng Administrasyong Marcos na mapababa ang inflation rate, protektahan ang mga trabaho, mapalakas ang kakayahan ng mga konsyumer at kumpiyansa ng mga negosyante.
Nanatili ang Pilipinas sa lower middle income status simula noong 1987 at ngayon ay pantay na ang bansa sa China, Malaysia, Thailand, Indonesia, at Vietnam.
