dzme1530.ph

PANGULONG FERDINAND MARCOS JR., NASA CANADA NA PARA SA APAT NA ARAW NA STATE VISIT

Loading

Dumating na kaninang alas-otso ng umaga sa Vancouver si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa apat na araw na official visit sa gitna ng pagpapalakas ng bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at Pilipinas .
 
Ayon sa Malacañang, pangunahing layunin sa state visit ang pagpapatibay ng economic relations, kabilang ang negosasyon para sa Philippine-Canada Free Trade Agreement kasama na rin ang ASEAN-Canada Free Trade Agreement.
 
Target ng Pangulo na makahikayat ng mga Canadian investments sa mga pangunahing sektor partikular sa mining, critical minerals, renewable energy, nuclear energy, telecommunications, information technology, business process management, cybersecurity at financial services.
 
Nais din ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng one-on-one business meetings at lumahok sa roundtable discussions kasama ang private sector leaders.

About The Author