dzme1530.ph

PAGTALAKAY SA LEGISLATED WAGE HIKE, TULOY PA RIN SA KAMARA

Loading

Tuloy pa rin ang pagtalakay ng House Committee on Labor and Employment sa legislated wage hike kahit mayroon nang P85 approved wage increase sa NCR.
 
Para kay Panel Chairman Cavite Rep. Jolo Revilla, welcome ang anunsyo kahapon ni Labor Sec. Francis Tolentino tungkol sa dagdag-sweldo.
 
Pero hindi lang aniya sa Metro Manila ito dapat ipatupad kundi sa buong bansa ay P85 din.
 
Tiniyak ni Revilla na tuloy pa rin sila sa komite sa pagbuo ng batas para sa mga manggagawa na magpapaaangat ng purchasing power ng mga obrero.
 
Kahapon, labing-pitong (17) panukala na pawang nagtutulak ng dagdag-sweldo, sa pangunguna ng P200 legislated daily wage increase, ang tinalakay ng komite.
 
Bukod sa wage issue, tinalakay din ang mga amendments sa Labor Code, gayundin ang mandatory personal finance education program para sa mga manggagawa upang magkaroon sila ng praktikal na kaalaman sa budgeting, saving, financial planning, at responsible money management.

About The Author