dzme1530.ph

JUNE INFLATION, POSIBLENG PUMALO SA 7%, AYON SA BSP

Loading

Posibleng bumilis pa ang inflation sa 7% sa buwan ng Hunyo bunsod ng mas mahal na singil sa kuryente at presyo ng gulay, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
 
Inaasahan ng BSP na papalo ang June inflation sa 6.0% hanggang 7.0%, mas mataas kumpara sa 6.8% na naitala noong Mayo at sa 1.4% noong June 2025.
 
Sakaling pumasok ang actual inflation figure sa forecast range, ito ang ikatlong sunod na buwan na mas mataas ang inflation sa original target ng central bank na 2.0% to 4.0% ngayong taon.
 
Kung umabot naman ang inflation sa upper end na 7.0%, ito ang magiging pinakamataas mula nang mai-record ang 7.2% noong Abril.

About The Author