dzme1530.ph

REGIONAL WAGE BOARDS, POSIBLENG MAS MABABA PA SA P85 ANG AAPRUBAHANG WAGE HIKE SA MGA LALAWIGAN

Loading

Sigurado si Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando na mas mababang wage hike ang aaprubahan ng mga Regional Wage Boards sa labas ng Metro Manila o NCR.
 
Kahapon, inanunsyo ni Labor Sec. Francis Tolentino na 85 pesos ang dagdag-sweldo sa Metro Manila, na tinuring bilang highest wage hike.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni San Fernando na mas maganda sana kung ginawang isang bigayan ang wage hike at hindi ginawang hulugan.
 
Tiniyak din ni San Fernando na patuloy ang pagsisikap ng Kongreso sa kabuuan sa pagsusulong ng mga panukala para mabigyan ng living wage ang mga manggagawa.
 
Kaya binalikan ni San Fernando si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa naging pahayag na kasalanan ng katamaran ng Kongreso ang hindi pa rin pagsasabatas ng legislated wage bill.

About The Author