dzme1530.ph

KAMARA, IIMBESTIGAHAN DIN ANG TACLOBAN SCHOOL SHOOTING

Loading

Mag-iimbestiga ang Kamara sa pagkamatay ng tatlong menor de edad sa loob ng eskwelahan sa Tacloban City.
 
Ayon kay Kabataan Party-List Rep. Renee Co, nais nilang ugatin kung bakit nasadlak sa karahasan ang dalawang menor de edad na suspek sa pamamaril.
 
Nais din nilang alamin kung bakit nakapasok sa loob ng San Jose National High School ang dalawang baril na ginamit ng dalawang gunmen.
 
Plano rin umano nilang maglatag ng mga hakbangin para hindi na maulit ang ganitong insidente, kasama na ang bullying.
 
Mariin ding kinontra ni Co ang mungkahi na babaan ang minimum age of criminal responsibility.
 
Mali umanong isisi at sabihing “failure” ang batas na Juvenile Justice and Welfare Act lalo pa at hindi pa naman fully implemented ang batas.

About The Author