dzme1530.ph

MGA KASO KAUGNAY SA PAGKAMATAY NG DALAWANG ATENEO BASKETBALL PLAYERS, ISASAMPA SA DOJ SA BIYERNES

Loading

Nakatakdang isampa sa Biyernes sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaso kaugnay sa pagkamatay ng Ateneo basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili noong June 8 dahil sa pagkalunod.
 
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, nasa final stage na sila ng kanilang imbestigasyon at ilang players na lamang at mga miyembro ng Ateneo management ang kanilang hinihintay.
 
Sinabi ni Remulla na kabilang sa ipinatawag na opisyal ng unibersidad ay si Ateneo President Fr. Roberto Yap na nagtungo sa PNP-CIDG ngayong Miyerkules at Manuel V. Pangilinan na inaasahang haharap bukas.
 
Si Pangilinan ay kilala bilang primary athletic benefactor ng Ateneo Blue Eagles basketball program, na nagpopondo sa recruitment, coaching staff, at operations sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation.
 
Idinagdag ng DILG chief na sa isinasagawang imbestigasyon sa nakalipas na dalawang linggo, umabot na sa halos 100 witnesses ang humarap at nakalikom ng nasa 1,200 pages na testimonya.

About The Author