dzme1530.ph

ICC, PINAHAHARAP SI DATING PANGULONG DUTERTE SA STATUS CONFERENCE SA SEPT. 7

Loading

Nais ni International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III Presiding Judge Joanna Korner na humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Sept. 7 status conference sa kanyang kasong crimes against humanity.
 
Sa ginanap na status conference, sinabi ni Korner na excused ang dating Pangulo, kahapon, dahil medyo maiksi lang naman ang hearing.
 
Gayunman, binilinan ni Korner ang legal counsel ni dating Pangulong Duterte na si Peter Haynes na importante ang Sept. 7 conference kaya kailangan ang presensya ng kliyente nito, maliban na lamang kung mayroong medical issue.
 
Itinakda rin ng ICC judge ang susunod na status conference sa July 14, Sept. 7, Oct. 13 at Nov. 2 bago simulan ang Nov. 30 trial ng dating Pangulo.

About The Author