dzme1530.ph

15-ANYOS NA SUSPEK SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING, IPINAGHARAP NA NG KASONG KRIMINAL

Loading

Ipinagharap na ng criminal complaint sa Prosecutor’s Office ang 15 taong gulang na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
 
Ayon kay Police Regional Office 8 Information Office Chief, Police Lt. Col. Analiza Armeza, naihain nila ang reklamo kagabi.
 
Sinabi ni Armeza na bullying pa rin ang isa sa tinitignan nilang anggulo sa shooting incident.
 
Nilinaw naman ni Armeza na ang Prosecution Service ang mag-aassess at mag-eevaluate sa kanilang reklamo.
 
Kinumpirma naman ni Armeza na patuloy ang administrative investigation sa pulis na tiyahin ng 14-anyos na suspek at may-ari ng baril na ginamit.

About The Author