dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION PANEL, HINDI PAPAYAG NA LAMUNIN NG BUHAY ANG LABAN SA IMPEACHMENT CASE LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE

Loading

Itinanggi ng House Prosecution Team sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ang balita kaugnay sa umano’y pagkakaiskor ng defense team laban sa kanila sa unang araw ng pre-trial conference noong Huwebes.
 
Sa press briefing sa Senado, sinabi ni Cong. Gerville Luistro na fake news ang lumabas na balita na nilamon ng buhay ng depensa si Luistro.
 
Sinabi ni Luistro na asahan na ang mas marami pang misinformation at fake news habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings kaya’t dapat anyang maging maingat ang publiko.
 
Ipinaliwanag naman ni Atty. Benjamin Tolosa Jr., legal spokesperson ng Prosecution Team, na nagkaroon ng pagtatangka ang defense team na talakayin ang voting threshold pagdating sa conviction sa impeachment.
 
Agad naman anya itong hinarang ni Luistro sa paggiit na hindi ito dapat pag-usapan sa pre-trial conference.

About The Author