dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION TEAM, NAGTALAGA NG LEGAL SPOKESPERSON PARA SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS

Loading

Nagtalaga ng legal spokesperson ang House prosecution team bukod pa sa dalawang kongresista na tumatayong House spokesperson.
 
Sa ikalawang araw ng pre-trial conference, nagsagawa muna ng press conference ang prosecution team sa pangunguna ni lead prosecutor Rep. Gerville Luistro.
 
Samantala, ngayon ay nagpapatuloy pa ang pre-trial marking of exhibits para sa Article 2 ukol sa confidential funds, at para rin sa Article 3 na tumatalakay sa unexplained wealth.
 
Umaasa si Luistro na matatapos ngayong araw ang marking of exhibits.
 
Inaasahan din na matatanggap ngayon mula sa impeachment court ang pre-trial order na siyang magiging gabay nila sa buong proseso ng paglilitis.

About The Author