![]()
Umakyat na sa 782 ang confirmed cases ng Ebola sa Democratic Republic of the Congo matapos madagdagan ng 72 na mga bagong kaso sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa latest situation report ng pamahalaang DRC, kabilang sa mga kumpirmadong kaso ang 181 na mga nasawi.
Batay sa datos, ang ika-17 outbreak sa Congo ay nananatiling naka-confine sa tatlong lalawigan sa silangan na kinabibilangan ng Ituri, North Kivu, at South Kivu.
Gayunman, mayroon na ring confirmed cases sa unang pagkakataon sa Nia-Nia Health Zone sa Ituri at Mabalako Health Zone sa North Kivu.
Dahil dito, mayroon nang kumpirmadong kaso sa dalawampu mula sa 36 health zones sa Ituri habang sampu mula sa 34 health zones sa North Kivu at isa sa South Kivu.
