![]()
MAAARING i-lockdown ang Senado kung lilitaw na may clear and present danger sa seguridad ng Mataas na Kapulungan.
Ito ayon kay dating Senate President Vicente Tito Sotto sa gitna ng natanggap na intelligence information ng mga senador mula sa mga awtoridad na may banta sa seguridad ng Senado.
Sinabi ni Sotto na hindi maaaring balewalain ang mga natatanggap na intelligence information at hindi dapat magpakampante.
Samantala, sa ngayon ay nakikipagpulong si Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian sa Senate Executive Committee kabilang ang Sergeant-at-arms para sa mga kinakailangang ipatupad na adjustment sa security measurses.
Nangako si Gatchalian na pinakamahalaga sa kanila ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng senador at mga empleyado ng Senado.
