![]()
Tumaas ang unemployment rate sa bansa noong Abril kumpara sa parehong buwan noong 2025.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, naitala sa 2.41 milyong Pinoy ang walang trabaho noong April o katumbas ng 4.7 percent unemployment rate.
Mataas ito kumpara sa 4.1 percent noong April 2025 o katumbas ng 2.06 milyong Pinoy na walang trabaho.
Nangangahulugan ito na 47 sa bawat isang libong indibidwal sa labor force ang walang trabaho.
Naitala naman sa 48.89 milyong Pinoy ang may trabaho sa naturang buwan o katumbas ng 95.3 percent na employment rate.
Mababa ito kumpara sa 95.9 percent employment rate sa kaparehong buwan noong 2025 o katumbas ng 48.67 milyong Pinoy na may trabaho.
