![]()
Nakatakdang magpakasal sina Taylor Swift at Travis Kelce sa Madison Square Garden sa New York City.
Ayon sa Page Six News, magpapalitan ng vows ang couple sa iconic arena, na nagsisilbing tahanan ng New York Knicks ng National Basketball Association at New York Rangers ng National Hockey League.
Nagsilbi ring host ang Madison Square Garden sa ilang mga concert ni Taylor.
Idinagdag sa report na inaasahang gaganapin ang kasal ng American singer-songwriter at American football player sa unang linggo ng Hulyo.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na kumalat sa social media ang detalye ng wedding plans nina Taylor at Travis.
Noong December 2025 nang mapabalita na nakatakdang ikasal ang dalawa sa June 13 sa Watch Hill.
