![]()
Sinampahan ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa House Ethics Committee si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, kaugnay ito sa umano’y pagpapakalat ni Barzaga ng maling impormasyon tungkol sa shooting incident sa Senado noong May 13.
Binigyang-diin ni Matibag na layunin ng paghahain nila ng reklamo na protektahan ang integridad ng institusyon at ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas at kaayusan.
Sa deleted post ni Barzaga sa social media, ini-report nito ang “multiple dead after gunfight within Senate building.”
