![]()
Muling kinundina ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima si Vice President Sara Duterte sa isinumite nitong sagot sa impeachment court.
Ayon kay De Lima, isa sa 11-member House prosecutors, pag-iwas pa rin sa trial ang pinakabuod ng answer ni VP Duterte.
Banat pa ni De Lima, siya itong hindi nagpakita at nagpaliwanag sa mga pagdinig ng Kamara, at ngayon ay pinapa-dismiss nila sa Senate impeachment court ang kaso nang hindi pa man lang pinapakinggan ang mga testigo at mga ebidensya.
Saad pa ng dating Justice secretary, allergic o takot lang ba talaga si VP Sara na humarap sa proseso ng pananagutan.
May mensahe rin ito sa pangalawang pangulo, huwag niyang balewala ang Konstitusyon, dahil ayon sa Saligang Batas ang Senado ang maglilitis at magpapasya.
Pero trial muna bago hatol. Paglilitis, hindi pagpapa-dismiss.
Hinamon pa ni De Lima si VP Duterte na harapin ang impeachment at sagutin ang mabibigat na paratang, at huwag nitong ipagkait sa taumbayan ang katotohanan at pananagutan.
