dzme1530.ph

BOYCOTT NG MAJORITY BLOC SA SESYON, TINAWAG NA DRAMA

Loading

TINAWAG ng Solid Bloc 11 minority senators na drama ang boycott na ginawa ng majority bloc sa sesyon kahapon dahil sa pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada.
 
Ayon sa SB 11 o minority bloc, wala ring kortesiya sa kanila ang majority bloc upang sabihing hindi matutuloy ang sesyon sa kung anumang dahilan.
 
Kinontra ng minority bloc ang katwiran at panawagan ni Senate President Alan Peter Cayetano na para sa independence ng Senado ay dapat magkaisa sila at manahimik.
 
Ipinaalala ng minorya na ang ginawang pag-aresto kay Estrada ay pagpapatupad lamang ng rule of law.
 
Binigyang-diin ng grupo na ang Senado ay hindi pag-aari ng iisang may hawak ng gavel bagkus institusyon ito ng taumbayan at napakaraming mahalagang panukala ang nabibinbin dahil sa drama ng mayorya.
 
Tanong tuloy ng minority bloc kung kinukuwestyon ng Senate leader ang rule of law.
 
Kauna-unahang pagkakataon anya sa Senado na huminto ang kanilang trabaho dahil ayaw ng presiding officer.
 
Nanawagan din ang senate minority bloc sa publiko na bantayan ang mga kaganapan sa Senado at kwestyunin kung inuulit ba ni Cayetano ang ginawa niya noon sa Kamara kung saan nakuwestyon ang lider na ayaw bumaba, tumangging mag-convene at bininbin ang mga proseso dahil sa kawalan na ng suporta mula sa mga miyembro.

About The Author