dzme1530.ph

KAMPO NI VP SARA, ISUSUMITE NGAYONG ARAW ANG TUGON SA ARTICLES OF IMPEACHMENT

Loading

Inaasahang ihahain ngayong Lunes ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang tugon nito sa impeachment court, kaugnay sa impeachment complaints na kinakaharap nito.
 
Gayunman, sinabi ng isa sa mga abogado ni Duterte na hindi pa sila sigurado kung personal nilang isusumite ang kanilang sagot ngayong araw o ipadadala na lamang nila ito sa pamamagitan ng email.
 
Sakaling ipadala ng bise presidente ang tugon nito sa summon ng Senado ngayong Lunes, pasok ito sa deadline.
 
Nakasaaad sa media advisory ng impeachment court na mayroong hanggang ngayong araw si VP Sara, simula 8 a.m. hanggang 7 p.m., para isumite ang kanyang sagot sa articles of impeachment.

About The Author