dzme1530.ph

DILG USEC JED MABILOG, PINUPULITIKA ANG RICE PROGRAM NG PAMAHALAAN

Loading

Umani ng batikos si dating Iloilo City mayor at ngayo’y DILG Undersecretary for Public Safety Jed Patrick Mabilog matapos umanong pulitikahin ang rice program ng gobyerno, na isa sa mga programang ipinatutupad sa pamamagitan ng local government units (LGUs).
 
Binatikos ni Anilao Mayor Matet Debuque, vice president ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Iloilo Chapter, si Mabilog dahil sa may halong pulitikang tugon nito sa kanilang pag-uusap sa airport.
 
Sinabi ni Debuque na ipinaabot niya kay Mabilog ang kanyang alalahanin tungkol sa panuntunan at polisiya ng rice program ng gobyerno subalit ikinagulat nya at malayo sa kanyang inaasahan ang tugon sa kanya ng dating alkalde.
 
Aniya, paulit-ulit na sumagot si Mabilog ng “Gugma ako, hindi ako Rise,” na tila tumutukoy sa tagline ng Iloilo City na “Rise Iloilo.”
 
Noong 2025 elections ay sinuportahan ni Mabilog ang Team Sulong Gugma na pinamumunuan ni Iloilo City Rep. Julienne “Jamjam” Baronda.
 
Matatandaang inabandona ni Mabilog ang kanyang posisyon at umalis ng bansa noong 2017 matapos siyang iugnay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

About The Author