![]()
Natukoy ng Department of Labor and Employment ang posibleng paglabag sa Occupational Safety and Health Standards sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, ang proyekto ay una nang pinahinto ng DOLE Region 3 dahil sa safety deficiencies.
Nabatid ni Tolentino na kinalaunan ay itinuloy ang konstruksyon matapos tumugon ang kumpanya sa mga requirement.
Gayunman, dapat nagpatuloy aniya ang monitoring sa pagsunod ng konstruksyon sa mga alituntunin.
Una nang sinuspinde ni Tolentino si DOLE Region 3 Director Geraldine Panlilio bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon sa posibleng pananagutan sa insidente.
Kabilang sa posibleng paglabag ang paglalagay ng barracks o sleeping quarters sa loob ng hindi pa tapos na gusali.
Wala rin aniyang required medical facilities at emergency equipment sa lugar.
Sa pinakahuling datos, apat na ang nasawi habang 16 pa ang nawawala at 26 ang nailigtas sa gumuhong gusali.
