dzme1530.ph

PLUNDER CASE LABAN KAY SEN. JOEL VILLANUEVA, “HINOG” NA

Loading

“Hinog” na at maaari nang maisapinal sa loob ng dalawang linggo ang plunder case na isasampa laban kay Sen. Joel Villanueva dahil sa pagkakaugnay nito sa flood control kickback scheme.
 
Pahayag ito ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, kasabay ng pagbibigay-diin na kailangang puliduhin muna ang pagkakalahad ng mga ebidensya bago isampa ang kaso sa Sandiganbayan.
 
Noong nakaraang taon ay inakusahan ni dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara si Villanueva na tumanggap ng ₱150 million na share para sa ₱600 million na multi-purpose building project sa lalawigan.
 
Itinanggi naman ng senador ang paratang at iginiit na consistent siya sa pagtuligsa sa korapsyon sa pamahalaan.
 
Samantala, idinagdag ni Remulla na nasa siyam hanggang sampung senador ang iniimbestigahan ng kanyang opisina kaugnay ng flood control scandal.

About The Author