dzme1530.ph

‘ONE PIECE’ STAR NA SI MACKENYU, MAGBABALIK PILIPINAS SA AGOSTO PARA SA FAN MEET

Loading

Magbabalik sa Pilipinas para sa fan meeting ang Japanese actor na si Mackenyu, na sumikat sa buong mundo sa pamamagitan ng live-action adaptation ng One Piece.

Ayon sa CNCA Media, gaganapin ang event na may titulong “P1ECE OF YU: MACKENYU FAN MEET” sa The Theatre at Solaire sa Aug. 29.

Unang nakilala ang Japanese actor sa live-action adaptations ng popular manga titles, gaya ng JoJo’s Bizarre Adventure: Diamond Is Unbreakable – Chapter I at Rurouni Kenshin: The Final.

Nakakuha naman si Mackenyu ng international recognition sa kanyang pagganap bilang swordsman na si Roronoa Zoro sa One Piece.

Unang bumisita si Mackenyu sa Manila noong November 2023 para rin sa isang fan meeting.

About The Author