dzme1530.ph

ARTICLES OF IMPEACHMENT, NAI-TRANSMIT NA SA SENADO

Loading

Habang nagkakagulo sa Senado, nai-transmit na ng Kamara de Representantes ang articles of impeachment sa Senado.
 
Seven twenty-two (7:22) ng gabi nang iabot ni House Secretary General Cheloy Garafil kay Senate Secretary Mark Leandro “Dong” Mendoza ang articles of impeachment.
 
Ayon kay Garafil, agad-agad matapos ang reproduction, collation, at verification ng lahat ng impeachment records at attachments na umabot sa libong pahina ay dinala agad ito sa Senado.
 
Ang transmittal ay hudyat ng susunod na constitutional phase ng proseso sa Senado na tatayong impeachment court.
 
Lunes ng gabi, May 11, nang aprubahan ng House plenary ang House Resolution 989 matapos itong katigan ng 257 legislators na bumoto ng yes, laban sa 25 lamang na no, at 9 abstention.

About The Author