dzme1530.ph

SUBPOENA LABAN KAY SEN. BATO DELA ROSA, BINAWI NG CIDG BILANG PAGGALANG SA SENADO

Loading

Binawi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang subpoena para kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa bilang “act of institutional courtesy,” ayon kay PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño.
 
Si dela Rosa na subject din sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y crimes against humanity bunsod ng war on drugs, ay pinagkalooban ng proteksyon ng Senado.
 
Gayunman, nilinaw ng PNP na magpapatuloy ang imbestigasyon ng CIDG sa umano’y mga pagpaslang sa kabila ng pag-recall sa subpoena laban sa senador.

About The Author