dzme1530.ph

NBI, NANAWAGAN KAY SEN DELA ROSA NA SUMUKO NA NANG MAAYOS

Loading

Umapela ang National Bureau of Investigation kay Senador Ronald Bato dela Rosa na sumuko na sa mga awtoridad sa gitna ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court.
 
Ito ay kasunod ng paghahain ng limang senador ng resolution na humihikayat kay dela Rosa na sumuko.
 
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na nagmula sa competent court ang warrant of arrest kaya dapat itong respetuhin.
 
Iginiit ni Matibag na hangga’t hindi tumutugon si dela Rosa sa kautusan ay mangyayari at mangyayari pa rin ang habulan.
 
Nagbabala si Matibag na magkakaroon ng breakdown ng law and order kung hindi ipatutupad ang warrant of arrest.
 
Binigyang-diin pa ni Matibag na galing din sa law enforcement si Bato kaya’t mas mabuti nang sumuko siya sa mga awtoridad upang magawa na ang tamang proseso.

About The Author