![]()
Nanindigan ang Tindig Pilipinas na panahon nang isulong ang pananagutan ng mga taong gobyerno na nasasangkot sa iba’t ibang iregularidad.
Sa panayam ng ME Radio TV, tinukoy ni Dr. Sylvia Claudio sina Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Ronald dela Rosa at maging ang mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Binigyang-diin ni Claudio na hindi sila magsasawa sa pagsusulong ng hustisya sa ating bansa.
Aminado si Claudio na marami ang nadidismaya sa mga nangyayari subalit hindi dapat mawalan ng pag-asa.
Kaya tiniyak ni Claudio na mamayang hapon ay magtutungo sila sa harapan ng Senado upang ipanawagan na tiyakin na itutuloy ang impeachment trial.
