![]()
Dumipensa si Mamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima sa hindi pa rin nila naitatransmit na articles of impeachment sa Senado.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni De Lima na inihahanda pa nila ang lahat ng dokumento kaugnay sa reklamo.
Hindi naman aniya ito nangangahulugan na hindi na forthwith ang kanilang aksyon.
Kinumpirma rin ni De Lima na kasama sa mga pag-uusapan ng prosecution team ang pagharap sa bagong liderato ng Senado na maituturing niyang challenge sa kanila.
